Love

Love really hurts

Nagmahal kana ba at nasaktan?
Alam ba natin ang kasabay ng saya ay sakit? Oo sa simula masaya kasi nag mahal ka at minahal ka. Pero sa pagdaan ng mga araw unti- unti rin natin nararamdaman ang sakit, lalong lalo na pag di na tayo pinapahalagahan ng minamahal natin. May mga araw na nag iisa na lang tayo naghihintay na sana maalala rin tayo. Ngunit di naman natin hawak ang tao nagbabago ito pag nakipag karera siya sa pangarap nya o di kaya may nakita na siyang iba.
Sa taong iniwan ka dahil sa pangarap yun ay masakit dahil di mo kayang makipag kompetensya, iba eh naka focus sya sa pangarap na sana kayong dalawa ang bumubuo. Ang selfish diba? Noong panahon na ika’y nag iisa pumasok sya sinuyo ka pinaramdam na kasama ka sa mga pangarap na binubuo nya. Minsan nangarap ka rin na kasama mo siya sa mga pangarap mo. Pero ang katotohanan iniwan kang nag iisa nangangarap na makalimutan siya.
Di baling nasaktan nag mahal ka kasi ng buong puso.
 Sa taong iniwan ka at pinalit sa iba, ang saklap yun. Una naniniwala ka sa sinabi nya na ikaw lang. Sayo lang umiikot buhay nya. Di niya kayang mabuhay kung wala ka. Pero ang tanong bakit? Bakit sya naghanap ng iba? Kulang pa ba o talagang di ka lang sapat para sa kanya at kaya niya pang makipag laro sa iba. Kahit ganun paman mahal mo parin siya diba? Nabuo ka kasi sa panandaliang kasama mo siya.

Pero minsan pipiliin pa rin natin ang magmahal kahit nasasaktan na tayo. Masarap kasi ang magmahal at mahalin kahit kapalit nito pagdurusa at kabiguan. Pagmamahal na handang ibigay at ialay ang lahat. Pagmamahal na mapagbigay at mapagpatawad at higit sa lahat pagmamahal na di makasarili.

Jhes is an Architect with a passion for storytelling through her writing and painting. She loves penning stories and interprets them through her drawings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Get my latest blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

%d bloggers like this: