Love

Mahal mo ako Mahal Kita pero di pwedeng maging tayo

Sa bawat pag pikit ng aking mga mata di ko maiwasan ang lumuha, sa araw at gabi ikaw lang ang pinapangarap.

Ang sakit isipin na ang dating tayo ay biglang nawala.

Ang mga alala mong iniwan ay sadyang binabalikan sa pag-asang ako’y iyong babalikan.

Minahal kita ng lubusan tinanggap ng walang pag alinlangan, pero di ko rin inaasahan na akoy iyong iiwan.

Oo minahal mo ako pero bakit di pwedeng maging tayo?

Dahil ba sa pagkakaiba ng kultura at paniniwala tayo’y pinaglayo?

Ang sakit dahil sa ako’y umasa na tayong dalawa, pero sa pagdaan ng panahon ikaw ay sumuko.

Pinili mong balikan ang iyong kinagisnan at ako’y iniwan habang nasasaktan.

Minsan naitanong ko sa sarili hadlang ba sa pag mamahalan ang pinagmulan?

Ang sakit dahil sa ating dalawa ako ang naiwang luhaan.

Sana darating din ang panahon na habang ikaw ay lumalakad papalayo sa kung saan natin binuo ang mga pangako

maalala mo na may isang tao na nag mahal sayo ng buong puso at hindi sumuko.

Jhes is an Architect with a passion for storytelling through her writing and painting. She loves penning stories and interprets them through her drawings.

8 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Get my latest blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

%d bloggers like this: